Teknolohiya para sa mga magsasaka ng niyog, inihahanda ng PHilMech
Nagtatag ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PHilMech ng mga shared facility para sa coconut farmers cooperatives at local government units o LGUs.
Ito ay bahagi ng mandato ng ahensiya sa ilalim ng Republic Act 11524 o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.
Sinabi ni PHilMech Director Dr. Dionisio G. Alvindia na ang mga shared facility ay magkakaroon ng iba’t ibang uri ng kagamitan na magbibigay-daan sa mga magniniyog na makapasok sa value chain ng kalakal.
Paliwanag ni Alvindia ang mga iminungkahing shared facility o business models ay maaari ding magkaroon ng cacao at coffee processing centers, dairy milk at livestock-based processing centers.
Ito ay para sa mga magsasaka na makikibahagi sa produksyon ng iba pang mga pananim na pagkain at hayop sa kanilang mga bukirin ng niyog.
Belle Surara