Telcos inalerto ng NTC kaugnay ng super typhoon Betty
Pinaghahanda na ng National Telecommunications Communication (NTC), ang telecommunications company (TelCos) sa bansa sa anumang posibleng maging epekto ng Super Typhoon Betty, na may international name na Mawar.
Sa memorandum na pirmado ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, inaatasan lahat ng TelCos na tiyakin ang sapat na bilang ng technical at support personnel, standby generators na may extra fuel at spare equipment sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyo.
Nakasaad din sa kautusan ang mabilis na repair at restoration ng kanilang serbisyo sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
“You are directed to fast track the repair and restoration of telecommunication services in the area that will be severely affected by the typhoon,” pahayag sa kautusan ng NTC.
Pinaalalahan din ng NTC ang Telcos na magkaloob ng kaukulang serbisyo sa mga subscriber na mangangailangan, gayundin ang patuloy na pagsunod sa health protocols.
“You are also directed to deploy Libreng Tawag and Libreng Charging Stations in strategic areas that will be affected by the typhoon.”
“Your are also reminded to coordinate with the LGUs and observe strict health protocols to avoid transmission of coronavirus disease (COVID-19),” paalala pa ni Comm. Lopez.
Inatasan din ng NTC ang mga telco na regular na magreport ng status updates kaugnay ng pangkalahatang sitwasyon.
“The Commission will expect status updates every six (6) hours of ongoing restoration activities being performed on your network and facilities and a timeline for the full restoration of service,” paalala pa ng NTC.
Madelyn Moratillo