Telcos inatasan ng NTC na magkaroon ng Libreng Tawag at free charging services sa mga lugar na naapektuhan ng lindol
Matapos ang malakas na lindol na yumanig sa Abra at naramdaman din sa ibang bahagi ng Luzon, inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications company na magbigay ng libreng tawag at charging stations.
Ang free call at charging ay ilalagay sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol.
Nakasaad din sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na dapat tiyakin ni NTC Cordillera Administrative Region Director Mildado Lee ang mahigpit na monitoring para masigurong sumunod ang mga telco.
Inatasan din ni Cordoba ang mga telco na magsumite ng compliance report hanggang sa Agosto 10.
Matapos ang magnitude 7 na lindol sa Abra, ilang lugar kasama na ang mga kalapit lalawigan nito ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Madelyn Villar-Moratillo