Telcos, pinaghahanda ng NTC sa epekto ng Super Typhoon Henry
Pinaghahanda ng National Telecommunications Commission ang mga telecommunications company sa bansa sa posibleng maging epekto ng Super Typhoon Henry.
Sa isang memorandum, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, na dapat tiyakin ng mga telco na mayroon silang sapat na bilang ng technical at support personnels.
Dapat nakahanda rin ang kanilang standby generators na mayroong extra fuel, at iba pang mahalagang kagamitan.
Kung may mga lugar ang tatamaan o maapektuhan ng Super Typhoon, sinabi ni Cordoba na dapat maging mabilis ang mga telco sa repair at pagbabalik ng kanilang serbisyo.
Inatasan rin sila ng NTC na magkaroon ng libreng tawag at libreng charging stations sa mga apektadong lugar.
Madelyn Villar – Moratillo