Telemedicine, inilunsad ng DOH-Calabarzon

 

                    photo credit: www.vdo360.com

Sa layuning lalong mapadali ang serbisyong Pangkalusugan na ipinagkakaloob sa mga mamamayan ng Region 4-a o ang Calabarzon, inilunsad ang Telemedicine o  Telecare o ang bagong mukha umano ng medisina.

Ayon kay Region 4-a Director Eduardo Janairo, Telemedicine o Telecare ay ang pagsasanay ng pagtanggap ng medikal na pangangalaga sa malalayong lugar o remote areas sa pamamagitan ng teknolohiya.

Maaari umanong magtipon ng mahahalagang impormasyong medikal ang mga duktor, , gumawa ng mga referral at magbigay ng pagsusuri sa isang pasyente kahit siya ay nasa tahanan lamang at hindi makapunta sa ospital o Health center.

Sinabi ni Janairo na ang makabagong Telemedicine network set up ay kinapapalooban ng Rural Diagnostic Center, Physicians Office, at On-call na manggagamot 24/7 na may mobile device tulad ng tablet, laptop o smartphone.

Kabilang naman sa Telemedicine components na ilalagay o i-install sa Calabarzon ay Medical and Diagnostic equipment tulad ng 12-lead digital ECG, Digital Spirometer, Spot Monitor, Trans-vaginal ultrasound probe, Digital Otoscope, USP Telephoneic Stethoscope, Abdominal USB Ultrasound Probe, Multipurpose camera and scope, Clinical Assist at Portable Teleclinic in a Mobile case.

Sabi pa ni Janairo,  ang pre-consultation at post consultation ay gagawin remotely sa pamamagitan ng Telemedicine program.

Nagbibigay umano  ang Telemedicine  ng maraming benepisyo  tulad din ng ibinibigay na  mga healthcare provider  sa kanilang mga pasyente.

Kabilang umano sa ibibigay ng benepisyo sa pasyente ay kaginhawahan, kakaunting gastos, nababawasan din umano ang pagkalat ng sakit at maraming iba pa.

Pahayag pa ni Janairo, ang Telemedicine  program ay naorganisa  sa pakikipagsosyohan sa  ilang partner agency tulad ng DOST.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *