Temporary deployment ban sa Israel, binawi na ng gobyerno
Binawi na ng gobyerno ng Pilipinas ang ipinatupad na temporary deployment ban ng Overseas Filipino Workers patungong Israel.
Sa 1 pahinang memorandum na pirmado ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nakasaad na ang pagbawi sa deployment ban ay kasunod ng rekumendasyon ng Department of Foreign Affairs.
Ito ay matapos bumaba na ang mga insidente sa pagitan ng Israel Defense Force at Palestinian militant groups.
Kasunod ito ng Hamas ceasefire na naging epektibo noong May 21.
Madz Moratillo
Please follow and like us: