Terror attack sa Lamitan, Basilan, kinondena ng Malacañang.
Nangako ang Malakanyang na pananagutin sa batas ang mga terorismo na nasa likod ng madugong car bomb attack sa lamitan, Basilan na ikinamatay ng 11 katao at ikinasugat ng 5 iba pa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kasalukuyan ng inbestigahan ang ginawang pambobomba ng mga hinihinalang terorismo.
Ayon kay Roque mariing kinokondena ng Malakanyang ang insidente dahil naging biktang na naman ng terorismo ang mga inosenteng sibilyan.
Inihayag ni Roque ang banta ng terorismo ay isa sa pangunahing security threat na kinakaharap ng bansa.
We condemn in the strongest possible terms the latest terrorist attack in Basilan perpetrated in violation of our laws.
authorities are now investigating the incident even as we vow to bring the perpetrators of this brazen attack to justice.
Ulat ni Vic Smontac