TESDA Regional Skills competition, inilunsad ng Taguig City LGU
Pinangunahan ng mga opisyal ng local government unit (LGU) ng Taguig City at ng mga kinatawan ng Technical Education & Skills Development Authority o TESDA, ang programa para sa pagsisimula ng inilunsad na TESDA Regional Skills Competition.
Tatlompu’t limang (35) competitors na kalahok sa iba’t-ibang skills mula sa National Capital Region (NCR), ang kabilang sa kompetisyon.
Ang magwawagi ay ilalaban ng Taguig City sa national competition, bago sumabak sa International Skills Competition kung papalarin.
Pangunahing ahensiya ang TESDA laluna sa pagtugon sa hamon ng panahon ngayon at sa paglobo ng bilang ng mga nawalan ng trabaho.
Sa naturang okasyon ay kasama ng LGU officials sina TESDA Secretary Isidro Lapeña, Deputy District Governor Lina Sarmiento, Director Juliet Orozco, Regional Director Florencio Sunico Jr., District Director Atty. Marichelle de Guzman Muntiparlas Tapat, at mga pinuno ng iba’t-ibang training school at mga kalahok.
Archie at Virnalyn Amado