TESDA scholars sa Masinloc, Zambales binigyan ng tool kits para sa kanilang kabuhayan
Limampu’t pitong (57) TESDA scholars ng Universal Access To Quality Tertiary Education Act (UAQTEA), ang pinagkalooban ng tool kits ng Technical Education and Skills Development Aurhority (TESDA), sa tulong ng kanilang alkalde at koordinasyon ng kanilang local government unit (LGU) Masinloc PESO manager.
Ang mga sumailalim sa training ng Shielded Metal Arc Welding NC 1, ay nakatanggap ng portable welding machine, welding helmet, at angler grinder.
Ang mga nag-training naman sa Driving NC II ay tumanggap ng combination wrench, locking grip pliers, adjustable wrench, early warning device at battery jumper cable.
Habang ang mga nag-training sa Electrical Installation and Maintenance NC II ay binigyan ng multitester, screw drivers, long nose pliers, automatic wire stripper, electrician plier, pull push rule at heat gun.
Ang mga ipinamahaging kagamitan, ay magsisilbing panimula ng mga scholars sa kanilang pangkabuhayan.
Nagpasalamat naman ang mga nabigyan ng kagamitan, dahil malaking tulong anila ito para sa kanilang ikabubuhay lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Mayvel Tugbo