Testimonya ng mga bumaligtad na suspek sa Degamo slay, magagamit pa rin umano ng prosekusyon sa pag-usig sa kaso sa korte
Ituturing umano na hostile witness ng prosekusyon ang 10 akusado sa Degamo na bumaligtad sa kanilang mga naunang testimonya
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, tumanggi ang mga akusado na i-reaffirm o muling kumpirmahin sa DOJ panel of prosecutors ang mga naunang sinumpaang salaysay ukol sa papel at nalalaman sa krimen
Pero sinabi ni Remulla na may silbi pa rin ang mga binawing testimonya ng mga ito sa korte at hindi hadlang ang kanilang recantations sa proseso.
Aniya, magiging bahagi pa rin ang mga salaysay ng mga bumaligtad na akusado sa presentasyon ng ebidensya ng DOJ prosecutors.
Itinakda ng DOJ panel ang susunod na hearing sa reklamo sa June 27.
Kapag nabigo pa rin aniya na dumalo si Teves o mga abogado nito sa nasabing petsa, ay maaaring hilingin ng NBI sa piskalya na i-akyat na lang sa korte ang kaso.
Moira Encina