Testing backlog ng Covid-19 Laboratories, bumaba
Bumaba na ang testing backlog ng mga Covid-19 laboratory sa bansa.
Batay sa datos ng DOH, nitong Agosto 26 ay nasa 627 na lamang ang backlog ng kanilang mga laboratoryo.
Malaking improvement na ito mula sa dating backlog na naglalaro sa mahigit 9,000.
Sa ngayon, may 83 lisensyadong RT-PCR laboratories na sa bansa habang 27 naman ang lisensyadong GeneXpert laboratories.
Pero bagamat marami na ang Covid-19 laboratories sa bansa hindi pa rin sila 100 porsyentong nakakakumpleto magsumite lahat sa DOH ng report ng naiprosesong swab samples.
Una ng sinabi ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na marami pa ring hamon ang kinakaharap ng kanilang mga laboratoryo sa araw araw na operasyon.Sa dami kasi aniya ng test na pinoproseso araw-araw pagkatapos nito ay kailangan pa nilang mag encode para makapagsumite ng report sa DOH.
-Madz Moratillo