Thailand gustong maging host ng F1 race sa mga lansangan ng Bangkok
Matutuwa ang mga tagahanga ng Formula One kapag nakita nila si Max Verstappen at Lewis Hamilton na nagkakarera sa lansangan ng Bangkok, dahil gustong maging host ng Thailand sa isang F1 race.
Nakipag-usap si Thai Prime Minister Srettha Thavisin sa F1 boss na si Stefano Domenicali, upang iparating ang pagnanais ng kaniyang gobyerno na dalhin ang grand prix sa malawak na kabisera ng bansa.
Walang inanunsiyong timeframe o detalyadong plano, ngunit sinabi ng Thai officials sa local media na nakikita nilang ang karera ay tatakbo sa isang street circuit, posibleng sa paligid ng makasaysayang sentro.
Sa kaniyang post sa X pagkatapos ng pakikipagpulong kay Domenicali ay sinabi ni Srettha, “Thailand has the capacity to host Formula One in Bangkok. If successful, I’m confident that our country will bring impressive memories to others because we have the right potential, capacity and Thai people’s hospitality.”
Masigasig ang gobyerno ni Srettha na isulong ang “soft power” initiatives upang itaas ang profile ng Thailand, at ang pagkakaroon ng isang F1 race ay magpapa-angat sa turismo ng bansang umaasa sa mga bisita, upang makabawi ang ekonomiya nito mula sa epekto ng pandemya.
Sa kabilang dako, nais din ng Formula One na magsagawa ng mas marami pang karera sa mga kalsada.
Ayon kay government spokesman Chai Watcharong, “Basically, if F1 is going to be held in Thailand, we want it to be held on the roads… we are currently working on the matter.”
Si Alex Albon ng Williams ang tanging Thai na kasalukuyang kalahok sa F1, at ikalawang driver pa lamang sa kasaysayan na nagmula sa Thailand.