‘The Patrick Star Show’ spinoff ng ‘SpongeBob Square Pants’ magkakaroon ng Season 2
Inanunsiyo ng Nickelodeon na ipinag-utos nito ang pagkakaroon ng second season (26 episodes) ng The Patrick Star Show, ang ikalawang spinoff ng popuar na SpongeBob Square Pants.
Ayon kay Animation of Big Kids Senior Vice President Claudia Spinelli . . . “The next season of The Patrick Star Show will embark upon even more imaginative, colorful and hilarious adventures, diving deeper into the Star family’s daily life and escapades. For over 20 years, the beloved Patrick Star has provided humor to fans around the world, and we can’t wait to see what he does next.”
Ang aktor na si Bill Fagerbakke pa rin ang magiging boses ni Patrick Star, kasama ng iba pang voice actors na mananatiling boses ng karakter na dati na nilang binigyan ng tinig, gaya ni Tom Wilson, ang voice actor para sa tatay ni Patrick Star na si Cecil Star. Cree Summer, ang voice actor para sa nanay ni Patrick na si Bunny Star, Jill Tally, ang voice actor para sa pusit na adopted sister ni Patrick na si Squidna Star, at Dana Snyder, anf voice actor para sa lolo ni Patrick.
Sina Marc Ceccarelli at Vincent Waller naman ang executive producers ng serye.
Ang unang spinoff sa SpongeBob Square Pants ay ang prequel na Kamp Koral: SpongeBob’s Under Years, kung saan ang mga karakter ay makikita sa isang summer camp noong sila ay kabataan pa.
Ang SpongeBob Square Pants ang pinaka pinanonood na animated series ng mga bata sa loob ng 20 sunod-sunod na taon, kung saan nagkaroon na rin ito ng isang Tony Award-winning Broadway musical, isang global fan base at nagpauso ng pop culture phrases at memes.