The Safe City Program, inilunsad ng Taguig City
Upang maging opisyal nang isang “bike city” ang lungsod, patuloy na hinihikayat ng mga kinauukulan ang mga Taguigeños, na gumamit ng bisikleta kaya inilunsad ang The Safe City program.
Sa ilalim ng programa na nakabatay sa City Ordinance at Executive Order, isang beses sa isang linggo ay may isang bahagi sa isang tukoy na kalsada, na ilalaan para maging ligtas na daanan ng mga siklista at mga naglalakad.
May mga bike patrol din na itinalaga sa lugar para mapanatili ang health and safety protocol, at kung sakali na may nangailangan ng assitance ay may dala silang first aid kits at tools para sa bike repair.
Ulat ni Archie Amado