Third-party facilitator sa Peace negotiation sa CPP-NPA-NDF, di na kailangan-Malakanyang

Naninindigan ang Malakanyang na dapat sa Pilipinas isagawa ang peace negotiation sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front o CPP NPA NDF.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang may ibig na sa Pilipinas isagawa ang peace negotiation at hindi na sa bansang Norway na tumatayo ring third party facilitator.

Ayon kay Roque hindi na rin kailangan ang third party facilitator para mamagitan sa usapan ng gobyerno at mga rebeldeng Komunista.

Inihayag ni Roque na pare-parehong pinoy ang mag-uusap kaya hindi na kailangan ang dayuhang tagapamagitan.

Niliwanag ng Malakanyang na seryoso ang pamahalaan sa pagsusulong ng peace process sa mga rebeldeng Komunista.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *