Tier 1 ranking ng Pilipinas sa paglaban sa human trafficking, napanatili
Sa ikapitong taon ay napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 ranking nito sa Trafficking in Persons Report ng US Department of State.
Ito ang inihayag ng Inter -Agency Council Against Trafficking (IACAT) at US Embassy sa Pilipinas kasunod ng paglulunsad ng report ng US.
Ang Tier 1 ang pinakamataas na classification na ibinibigay ng US government sa paglaban sa human trafficking.
In-assess ng US sa 2022 TIP Report ang mga hakbangin ng 188 bansa at teritoryo para maiwasan ang trafficking, maprotektahan ang mga biktima, at maparusahan ang mga human traffickers.
Sa opisyal na paglalabas ng report, inihalimbawa ni US Secretary of State Antony Blinken ang inilunsad ng Pilipinas na technology platform para maraming ahensya ang magkatulong-tulong sa paghawak ng mga kaso at sa pag-prosecute sa mga traffickers.
Moira Encina