Tigdas Alert sa buong bansa, itinaas na ng Department of Health (DOH)

Itinaas na ng Department of Health (DOH) ang Measles alert sa buong bansa.

Kasunod ng deklarasyon ng DOH ng outbreak ng tigdas sa buong Metro Manila at sa Region 3.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, inaasahan ang pagdami pa ng kaso ng tigdas kaya mas makabubuti aniyang itaas na ang alarma.

Giit ni Tayag, kailangang tiyakin ng mga lokal na pamahalaan na bukas ang kanilang Health centers para sa mga nais magpabakuna makaraang lumitaw sa datos na 90 porsyento ng mga nagka-tigdas ay hindi nagpabakuna.

 

Ulat ni Gerald Rañes

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *