Tinaguriang ‘father of Sudoku’ ng Japan, namatay na
TOKYO, Japan (AFP) – Namatay na sa edad na 69 sanhi ng cancer, ang tinaguriang ‘father of Sudoku’ ng Japan.
Ayon sa kaniyang publisher na si Nikoli, si Maki Kaji ay namatay sa kaniyang tahanan makaraan ang pakikipaglaban sa cancer.
Sa isang pahayag sa kaniyang website ay sinabi ni Nikoli, na nagustuhan ng publiko ang puzzle na pinasikat ni Kaji kayat marami siyang fans sa buong mundo.
Ang Sudoku ay numerical crossword na inimbento ng Swiss mathematician na si Leonhard Euler noong 18th century.
Ang modern version nito ay sinasabing binuo sa Estados Unidos, subalit si Kaji ang kinikilalang nagpasikat sa puzzle.
Sinasabing siya rin ang nakaisip sa pangalang Sudoku, isang pinaikling parirala na ang ibig sabihin ay “each number must be single.”
Noong 2007 ay sinabi ni Kaji na . . . “Creating a new puzzle was like finding treasure. It’s not about whether it will make money. It is purely the excitement of trying to solve it.”
Agence France-Presse