Tinaguriang Ilocos 6 bigo paring makalaya sa pagkakadetine sa Kamara

hor

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Bigo pa ring makalaya ang tinaguriang Ilocos 6 o ang 6 na empleyado ng Ilocos Norte na naka-detine sa Kamara.

Kanina muling nagtangka ang process server ng Court of Appeals para isilbi sana ang release order pero hindi ito pinapasok sa Batasan Complex.

Una nang ipinag-utos ng CA 4TH Division ang pagpapalaya sa 6 na empleyado matapos mabigo si House Sergeant At Arms Roland Detabali na sumipot sa 3 pagdinig ng Lorte noong nakaraang linggo.

Pero ayon kay Detabali, naghain na sila ng motion for reconsideration sa CA sa pamamagitan ng Office Of The Solicitor General.

Una na ring iginiit ng liderato ng Kamara na walang hurisdiksiyon ang CA sa contempt order laban sa 6 na detainees.

Sina Josephine Calajate, Genedine Jambaro At Encarnacion Gaor, Eden Battulayan, Evangeline Tabulog mga opisyal at empleyado ng Provincial Treasurer’s Office ng Ilocos Norte at Engr Pedro Agacoili Chairman ng BAC at Head Provincial Planning And Development Office ay una ng idinetine sa Kamara matapos mapatawan ng contempt  sa pagdinig ng House Committee On Good Govt And Public Accountability kaugnay sa isyu ng umano’y maling paggamit sa pondo ng Tobacco Excise Tax.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *