Tinatamaan ng HIV, pabata nang pabata ; Nakapagtala ng 3,410 bagong kaso, 82 nasawi sa 1st Qtr – DOH
Mula lamang nitong Enero hanggang Marso nitong taon, nakapagtala ng 3,410 bagong kaso ng HIV sa bansa.
Ayon sa Department of Health, sa bilang na ito ay 82 ang nasawi.
Sa buwan lang ng Marso, 1,224 bagong kaso ng sakit ang naitala kung saan 12 ang nasawi. Ang edad nila ay mula 1-55 taong gulang.
Nangangamba ang DOH dahil pabata nang pabata ang tinatamaan ng sakit sa Pilipinas.
Sa kabuuan, mula noong 1984 kung saan sinimulan ang pagtatala ng HIV cases sa bansa, umabot na sa 129,772 ang kaso ng HIV sa Pilipinas.
Sa bilang na ito, 122,255 ang buhay p arin hanggang ngayon, pero 64% lang o 78,633 ang sumasailalim sa gamutan.
Madz Villar-Moratillo