Tinatayang 40 bahay, tinupok ng apoy sa nangyaring sunog sa Barangay 198 sa Pasay City
Pasado alas-11:02 kaninang umaga nang masunog ang mga bahay sa 16 Airplane Road, Earoville, Barangay 198 sa Pasay City.
Sa bilis ng pagkalat ng apoy ay ilang minuto lamang ang lumipas ay iniakyat na ito sa ikalawang alarma, dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials.
Sinabi ng isang residente na si Analou Acebedo, na bigla silang nag-panic nang magsimula ang sunog.
Ayon naman kay Maria Magallanes, napansin na lamang nilang umuusok ang katabi nilang bahay.
TinatayaNG nasa 150 libong piso ang naging pinsala ng sunog, at ayon sa partial report ay nasa 40 mga bahay at 80 pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Samantala, alas-11:32 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng sunog. Wala namang nasaktan o nasawi sa sunog.
Pansamantala munang manunuluyan ang mga nasunugan sa evacuation center ng barangay.
Virnalyn Amado