Tips sa mga kababaihan upang maiwasan ang Polycystic Ovarian Syndrome o PCOS
Nararanasan ng maraming babae ang Hormonal Disorder na kung tawagin ay Polycystic Ovarian Syndrome o PCOS.
Karaniwan, ang mga babaeng dumaranas ng PCOS ay may Cyst sa kanilang obaryo.
Ngunit, paglilinaw ng mga eksperto, ang cysts ay hindi cancer, kaya, huwag agad mangamba o magpanic.
Kabilang sa mga sintomas ng PCOS ay hindi regular o humihinto ang monthly period ng isang babae.
Ang irregular na menstruation ay nagiging sanhi ng pagkapal ng lining ng matres.
Mahirap magbuntis o kaya naman ay manganak ang isang may PCOS, kung kaya mainam na kumunsulta sa isang OB-Gyne.
Paglilinaw naman ng isang eksperto, hindi ibig sabihin na may pcos ang isang babae ay hindi na siya magkaka-anak.
Sa tamang pagpapagamot, matutulungan din siya sa proseso ng pagkakaroon ng anak.
Samantala, may payo naman si Dr. Claro Cayanan, isang Internist mula sa Manila East Medical center sa mga kababaihan na edad 21 hanggang 65.
Dr. Claro Cayanan:
“When it comes to womens health, ang inirerecomend natin dyan ages between 21 to 65 years ay pap smears para ma check niya if may pre cancerous lesions, the only way to find it out is to have themselves subjected to pap smear madali lang naman ito …number two siguro ay mammogram para dun sa mga breast changes at the age of 45 at least annualy, meron sila ng ganyan…… so kung may mga changes sila lalong lalo na sa mga monthly period nila kung lumalampas dun sa tinatawag nilang 3 to 5 days yung iba isang linggo o dalawang linggo kung magkaroon ng period yan talagang sinasabihan silang mag pa check up na sa OB-Gyne”.
Ulat ni Belle Surara