TMJ Disorder , ano nga ba ito?
Madalas kong nababanggit ang TMJ, Temporo Mandibular Joint, ano nga ba ito?
Ito ay ang nagdudugtong sa ulo at panga. Nakahiwalay ang panga at hindi karugtong ng ulo, kaya may joint.
Sliding ito, puwedeng forward, backward, o sideward.
Ginagamit ang joint sa pag-inom, pagkain at pagsasalita.
Ano ngayon ang tinatawag na TMJ Disorder?
Kapag sinabing disorder, may mali, may hindi tama.
Kelan nagkakaroon ng disorder ?
Kapag mali ang kagat o bite o may malocclusion o improper bite.
Nawawala sa lugar dahil sa kulang -kulang na ngipin or missing teeth, pudpod ang mga ngipin , maaaring bad habits dahil sa pagkagat sa matitigas na bagay.
Kapag ang ngipin ay lumiliit , ang joints natin ay nagdidikit.
Siyanga pala, kung may arthritis sa tuhod, may arthritis din sa panga . Gaya ng tuhod, nagagasgas ang disk.
Numinipis ito at nagkikiskisan, dahilan para mawala ang fluid.
Kaya nga marahil ay narinig na ninyo ‘yung injection para sa tuhod, meron din nito sa dental.
May TMJ arthtritis na kailangan ang botox para mawala ang pain at magkaroon ng lubricant.
Ginagamit ang botox sa dentistry para sa TMJ pain.
Ginagawa ito every six months o sa tuwing ikaanim na buwan.
Nakalulungkot na marami ang hindi nakakaalam tungkol sa dugtungan ng panga at ulo gayung bata at matanda ay may TMJ.
At puwedeng magkaron ng TMJ Disorder kapag naabuso, nasobrahan ng gamit, kapag mali-mali sa kagat, o hindi nalagyan ng pustiso at marami pang iba.
Actually, dahil tayo ay tumatanda, hindi maiiwasan na magkaroon ng TMJ Disorder, kaya nga mahalaga na ma- maintain ang oral health para ma-maintain din ang TMJ function.
Bakit ba nagkakaroon ng panlalabo ng mata? O ang paghina ng pandinig? Pagbabara ng lalamunan?
Malaki ang posibilidad na ang ngipin ay lumiliit , at may disorder na sa panga.
Para malaman, dapat na ang gawin ay kumunsulta sa isang functional dentist .
Magandang araw sa lahat !