TNVS handang magproseso ng prangkisa sa gobyerno

Bukas ang Transportation Network Vehicle Services o TNVS na mag- aplay ng prangkisa at isailalim sa regulasyon ng gobyerno.

Itoy para hindi matigil ang kanilang serbisyo sa libu-libong motorista na umaasa sa ride sharing services.

Pero sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, kapwa sinabi ng Uber at Grab na dapat bilisan ng Land Transportation Franchising and Regultory Board ang kanilang proseso.

Dapat hayaan ang merkado o mga mananakay ang magregulate lalo at demand-responsive naman umano ang kanilang sistema.

Ibig sabihin, hindi tulad sa ibang bansa, dito lang sa Pilipinas nireregulate ng gobyerno ang TNVS.

Mungkahi nila sa halip na isa isang mag-aplay sa LTFRB, ipaubaya sa kanila ang pagsala sa mga driver at sila na ang mag iisyu ng cerificate of accreditation para pasimplehin ang proseso.

Ayon sa LTFRB, minamadali na ang proseso at pagdinig sa inihaing motion for reconsideration ng Uber at Grab.

Pero wala silang balak na magpadikta sa hirit ng Uber at Grab.

Kailangan  balansehin nila ang playing field lalo at may umiiral na moratorium sa mga Public transportation gaya ng Taxi at FX.

Isa raw sa kanilang nakikitang solusyon ay limitahan ang oras ng pagbyahe ng TNVS at limitahan ang kanilang bilang sa mga lansangan.

Sa September posibleng maglabas na sila ng desisyon saka itutuloy ang crackdown.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *