Toll fee sa NLEX, magtataas sa Huwebes
Magtataas na ng toll rates ang operator ng North Luzon Expressway o NLEX simula sa Huwebes May 12.
Base sa isang pahayag sinabi ng NLEX Corporation na nabigyan ang Toll Regulatory Board ng hudyat na taasan ang toll ng P2.00 sa open system at P0.34 kada kilometro sa closed system.
Sa ilalim ng adjusted toll rates, ang mga motoristang bumibiyahe saan man sa loob ng open system ay magbabayad ng karagdagang P2.00 para sa Class 1 na sasakyan (regular na sasakyan at SUV), P6.00 para sa Class 2 na sasakyan (bus at maliliit na trak), at P8.00 para sa Class 3 na sasakyan.
Sinabi ng NLEX na ang open system ay mula Balintawak, Caloocan city hanggang Marilao, Bulacan .
Habang ang closed system ay sumasakop sa pagitan ng Bocaue, Bulacan at Sta. Ines, Mabalacat city, Pampanga kasama ang Subic-Tipo.
Samantala, ang mga bibiyahe sa NLEX end-to-end sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat city ay magbabayad ng karagdagang P27.00 para sa Class 1, P69.00 para sa Class 2 at P82.00 para sa Class 3 na sasakyan.