Tooth decay ni baby maiiwasan kapag maagap si Mommy

Ang bata o toddler na edad 12-18 months ay puwedeng magka tooth decay, bottle-fed man o breastfed. Ang matagal na exposure sa sugary liquid sa gamit na formula milk ang dahilan.
Kaya nga, napakahalaga ng period na ito para maalagaan ang oral health ni baby.

Importante na after bottle or breastfeeding ay punasan agad ang gilagid o ngipin ni baby. Itataas ang labi at pupunasan ng tubig. Mahalagang alam at gawin ito ni Mommy.

Nadedebelop ang tooth decay sa bata habang natutulog na nakasubo ang bote sa bibig. Ito ang karaniwang nakikita natin, hindi po ba?

Pinatutulog at hinahayaan na nakalagay ang bote sa bibig. Alam po ba ninyo ang puwedeng mangyari kapag ganito? Ang mangyayari, ilang oras lang ay ‘acid‘ na iyun, kaya nagkakaroon ng erosion.

Paalala lang, kung padedehin si baby, hawakan habang pinasususo pagkatapos ay linisin ang bibig at saka ihiga at patulugin pero alisin ang bote at palitan ng pacifier. Ito ay para maiwasan ang early caries o tooth decay ni baby.

Para malaman kung nasa early stage na ng tooth decay, ibaligtad ang labi ni baby at kapag may napansin na may mga puti-puti, ibig sabihin nagsisimula na nang pagkasira ng ngipin o may enamel erosion na.

Tandaan, hindi dapat na makagawian na may nakasubong bote sa bibig ni baby para iwas sa maagang tooth decay.

Sana ay nakatulong ang mga impormasyong ito at para sa karagdagan pang impormasyon tungkol sa oral health, subaybayan ang Dentist Online sa programang Kapitbahay ng Radyo Agila 1062, tuwing Lunes ala una ng hapon.

-30-

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *