Top Hollywood director prize para sa Power of the Dog nakuha ni Campion
Dinaig ni Jane Campion ang mahuhusay niyang mga katunggali gaya ni Steven Spielberg, nang mapanalunan niya ang Directors Guild of America’s (DGA) top prize, para sa kaniyang Netflix adaptation ng isang Western novel.
Si Campion ang ikatlong babae na nakakuha ng top Directors Guild of America prize, matapos itong mapanalunan ni Kathryn Bigelow para sa The Hurt Locker noong 2008, at Chloe Zhao para sa Nomadland noong 2021.
Ayon sa taga New Zealand na si Campion . . . “It was increasingly common to hear about glass ceilings being shattered during Hollywood’s award season, and that perhaps it’s time to claim a sense of victory on that front. We’ve come so far and what’s more, we’re never going backwards.”
Ang top prize ay iprinisinta ng nagwagi noong nakaraang taon na si Zhao.
Sinabi pa ni Campion na unang na-nominate noong 1994 para sa The Piano . . . “I’m so proud of you… I’m here because I care about women having voices as well. I remember that outsider feeling as I fought to get my stories told, to bring dynamic stories from underserved perspectives to light in a male-dominated field.”
Samantala, si Maggie Gyllenhaal ang nagwagi bilang Best First-time Director para sa The Lost Daughter, isang drama tungkol sa challenges ng pagiging isang ina.
Si Gyllenhaal, na hanggang ngayon ay pangunahing kilala bilang isang artista sa mga pelikula tulad ng The Dark Knight at Secretary ay nagsabi . . . “Watching Campion’s The Piano as a teen had ‘changed my life’ and sparked a desire to one day direct. I think it is one of the real reasons that I am standing here and that ultimately, I got brave enough to say what I wanted.”
Sa huling siyam na taon, isang director lamang, si Sam Mendes, ang nakakuha ng top DGA award at nabigong mapanalunan ang Best Director sa Oscars, isang katotohanang nagtulak para si Campion ay maging paborito para sa Academy Awards sa Marso 27.
Bagama’t si Campion ang nagwagi, maraming bituin at nominado din ang nagtalaga ng kanilang mga talumpati sa kapwa nominee na si Spielberg, kasama si Rita Moreno na pinuri si Spielberg at tinawag siyang isang “wizard,” si Denis Villeneuve ay isang “giant” at si Spike Lee bilang “godfather of cinema.”
Sa kaniyang ika-12 DGA nomination, aminado si Spielberg na ang remake ng “beloved musical” na West Side Story ay tunay na nakatatakot.
Ayon sa legendary director ng Jaws, Schindler’s List at Jurassic Park . . . “It was terrifying, and I gave up a whole bunch of times. And every single time I said, ‘This is just too dangerous,’”
Si Lee ay tumanggap naman ng DGA Lifetime Achievement Award — siya ang ika-35 tao sa Hollywood history na binigyan ng naturang parangal at unang Black man.
Ang Attica, ni Stanley Nelson, na kuwento ng pinakamadugong prison riot sa Estados Unidos, ang nagwagi bilang Best Documentary, at dumaig sa lubhang paboritong Summer of Soul ng musician na si Questlove.
Ang protesta sa Attica prison noong 1971 sa estado ng New York na kinasasangkutan karamihan ng Black at Latino inmates — ay nagresulta sa pagkasawi ng 43, nang sugurin ng law enforcement ang kulungan.
Bagama’t hindi ipinalalabas sa telebisyon at itinuturing na “low key” kaysa iba pang mga parangal sa Hollywood, ang DGA ay mas matagal nang tumatakbo, at ang 18,000 botante nito kabilang ang mga nangungunang direktor ng industriya ay nag-aalok ng prestihiyosong pagkilala. Pinarangalan din nila ang Best TV episodes ng taon, kung saan nakuha ng isang installment ng Hacks ang Best Comedy at Underground Railroad Limited Series.
Sa Best Drama Prize — lahat ng limang nominated episodes ay mula sa parehong palabas, ang Succession ng HBO.
Ayon kay Brian Cox na gumanap bilang patriyarka ng isang pinag-aagawang media dynasty sa Succession . . . “We’re so glad that we don’t have to choose the winners. Because picking any of these incredible directors is as difficult as a parent picking a successor for his business — and that is something I would never ever do.”