Total Deployment ban sa Kuwait dapat Selective lamang- Senador JV Ejercito
Selective lamang dapat ang gawing Total Deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait.
Ayon kay Senador JV Ejercito, pabor siya na gawin nang permanente ang deployment ban para sa lamang sa mga Domestic workers dahil sila ang madalas makaranas ng pang-aabuso.
Pero ang mga Professionals at Skilled workers ay hindi dapat ipatigil ang kanilang deployment dahil ang kanilang kakayahan ay kailangan ng Kuwait para sa pag-unlad ng kanilang bansa.
“Ako po siguro selective lamang, I mean favor doon sa mga Domestic workers lamang dahil yang mga kasambahay ang prone to abuses and maltreatment. Pero yung mga Skilled workers at Professionals, mga Engineers at Programmers dahil iba naman ang sitwasyon nila”.