Total liquor ban sa Laguna, pinalawig hanggang Abril 11
Ipinagutos ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang pagpapalawig sa total liquor ban sa lalawigan.
Ito ay kasunod ng extension ng ECQ sa Greater Manila Area kabilang ang Laguna bunsod pa rin ng mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Hernandez, bawal pa rin ang pagbebenta, distribusyon, at pag-inom ng anumang uri ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa Laguna hanggang Abril 11.
Sinabi ng gobernador na bahagi ito ng mga hakbang para mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Sa pinakahuling datos ng Laguna Provincial Health Office, mahigit 2,600 ang aktibong kaso ng COVID sa lalawigan.
Moira Encina