Tourism revenue ng bansa noong 2022 umabot sa halos P209-B
Kumita ang sektor ng turismo sa bansa ng
P208.96 bilyon o katumbas ng USD 3.68 bilyon noong 2022.
Batay ito sa tala ng Department of Tourism (DOT) ng international visitor receipts mula Pebrero 2022 hanggang Disyembre 2022.
Sinabi ng DOT na ang nasabing halaga ay mas mataas ng 2465.75 percent mula sa parehong panahon noong 2021.
Ayon pa sa kagawaran, nakalikha ng 5.23 milyong tourism related-jobs ang bansa noong 2022.
Batay pa sa rekord ng DOT, kabuuang 11,989 ang DOT-accredited tourism enterprises hanggang December 29, 2022 sa Pilipinas.
Umabot naman sa 25,770 tourism stakeholders ang sumailalim sa pagsasanay.
Sinabi ng DOT na ang mga pagsisikap nito ay parte ng adhikain ng kasalukuyang administrayon na maging catalyst ang turismo para sa muling pagsigla ng ekonomiya ng Pilipinas hindi lang sa job opportunities kundi maging sa investments.
Moira Encina