Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, bumisita sa Bataan
Bumisita sa Bataan, partikular sa Las Casas Filipinas De Azucar na nasa bayan ng Bagac, si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Tomulo Puyat, para sa muling pagbubukas ng turismo sa lalawigan.
Pinangunahan ni Sec. Puyat ang isinagawang virtual press at planning conference, kasama sina Governor Albert Garcia, Bataan Tourism officer Alice Pizarro, Bagac Mayor Ramil Del Rosario, at iba pang opisyal ng DOT at LGU sa Bataan.
Bagama’t mayroon pang pandemya ay unti-unti nang binubuhay ang turismo sa bansa, partikular sa mga lugar na nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), kabilang ang Bataan.
Sa pagbubukas ng mga resort, ay kailangang pa ring sumunod sa requirements, restrictions at proper coordination sa mga LGU, at sundin ang lahat ng health at safety protocols para muling sumigla ang turismo at manatiling ligtas ang mga mamamayan.
Ulat ni Josie Martinez