Tourism slogan na WOW Philippines pinabubuhay sa DOT
Pinabubuhay ni Senador Richard Gordon sa Department of Tourism ang slogan na WOW Philippines.
Sa harap ito ng mga kontobersiya hinggil sa umano’y pangongopya ng Pilipinas sa mga slogan ng ibat-ibang bansa para i-promote ang turismo.
Sabi ni Gordon na nagsilbi na rin noon bilang Tourism Secretary, bukod sa pagsasayang ng pondo hindi maganda ang madalas na pagpapalit ng slogan.
Hindi kasi ito tumatatak sa isipan ng mga turista.
Nauna nang ini-anunsyo ng DOT ang desisyon nito na kanselahin na ang ₱650 million contract sa Mccann Worldgroup Philippines matapos ang kontrobersyal na panggagaya sa tourism slogan ng South Africa.
Ulat ni: Mean Corvera