Tourist arrivals sa bansa, umabot na sa 2M; tourism revenue, mahigit P100-B na
Lagpas 2-milyon na ang mga bumisita sa bansa ngayong taon.
Sa pinakahuling tala ng Department of Tourism (DOT) nitong November 14, umabot na sa 2,025,421 ang visitor arrivals sa Pilipinas.
Pinakamarami sa nasabing bilang ay mga dayuhang turista na halos 1.5 milyon o 73%.
Mahigit 538,000 naman sa bumisita sa bansa ay overseas Filipinos.
Pinakamarami sa foreign tourists ay mula sa USA na nasa 385,000.
Pangalawa ang mga mula sa South Korea at sumunod ang galing sa Australia.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, pinapatunayan ng latest arrival figures na malaki ang demand para sa biyahe sa Pilipinas.
Dahil dito, mahalaga aniyang magpatupad ng mga mekanismo ang pamahalaan na magpapakita sa pagiging handa at bukas ng Pilipinas sa pagtanggap ng mas maraming turista.
Gayundin ng pagiging conducive ng bansa para sa tourism business at livelihood opportunities sa mga Pilipino.
Samantala, iniulat din ng DOT na umabot sa P100.7 bilyon ang tourism revenue mula Pebrero hanggang Setyembre ngayong taon
Ito ay tumaas ng 1938.14 percent kumpara sa P4.94 bilyon na kita sa turismo noong 2021.
Moira Encina