Tourist lifestyle app, ilulunsad sa 2023 ng DOT at TPB
Inilatag na ng Department of Tourism (DOT) ang mga proyekto nito para sa susunod na taon para lalo pang makaengayo ng mga turista sa bansa.
Isa na rito ang ilulunsad na tourist lifestyle app katuwang ang Tourism Promotions Board (TPB).
Inanunsiyo ito ng kalihim sa paglagda ng DOT ng kasunduan sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Layon ng travel app na mapadali sa mga lokal at dayuhang turista ang bawat bahagi ng pagbiyahe nito sa bansa.
Inihalimbawa ng kalihim ang pag-digitalize sa pag-book ng ticket sa mga seaport.
Hanggang sa ngayon ay mahirap pa rin aniya na makakuha ng ticket online kung nais ng isang biyahero na sumakay ng ferry para lumipat ng islang bibisitahin.
Hangad ng DOT na ma-digitize ang lahat ng tourist transactions sa isang sistema upang makahimok ng mas maraming turista na lumibot sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sa susunod na mga taon.
Moira Encina