Townhall meeting at pakikipagdayalogo sa mga botante, hindi ititigil – Lacson Sotto
Hindi ititigil ng tambalan nina Presidential candidate Ping Lacson at runningmate na si Vicente Sotto III ang mga townhall meeting at pakikipagdayalogo sa mga botante.
Sa kabila yan ng babala ng Department of Health sa pagkalat ng Omicron sub variant dahil sa malalaking mga pagtitipon.
Ayon kay Sotto, maingat naman ang kanilang mga campaign organizer at tinitiyak na hindi dikit dikit ang mga dumadalo sa mga pagtitipon.
Kapwa naniniwala ang mga Senador na mas handa ngayon ang Pilipinas at hindi matutulad sa Shanghai na nagpatupad ng lockdown dahil sa libo libong kaso ng COVID-19.
Hinimok rin nila ang gobyerno na paigtingin pa ang information campaign sa kahalagahan ng booster shot.
Ang mga health expert na aniya ang nagsabi na malaki ang naitutulong ng booster shot para makaiwas sa malalang epekto sakaling mahawa ng COVID.
Ang tambalan nila Lacson at Sotto ay nag- ikot at nakipagdayalogo kanina sa mga taga Malabon.
Nag courtesy call rin ang dalawa kay Malabon Mayor Jonjon Oreta.
Meanne Corvera