Toy warehouse sa Pasig City, nasunog….3 katao sugatan….15,000 piso pinsala
Tinupok ng apoy ang isang Toy Warehouse sa Jenny’s Avenue, Barangay Rosario, Pasig City kagabi.
Umabot pa ng ika-limang alarma ang sunog dahil naging mabilis ang pagkalat ng apoy sa warehouse dahil na rin sa mga plastic materials na nasa loob nito.
Ayon sa mga residente sa lugar, nagmula ang sunog mula sa mga batang naglalaro umano ng apoy.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, inilikas din mga residente ang kanilang mga kagamitan dahil sa pangambang baka abutin din ang kanilang bahay.
Aabot sa 40 kabahayan ang nadamay sa sunog at umabot naman sa 20 pamilya ang naapektuhan.
Ang nasunog na warehouse ay ang kumpanyang Prime Rich Global na pagmamay-ari ng isang Myrna Tangyao.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP, aabot sa 15,000 piso halaga ng napinsala ng sunog.
Tatlo katao naman ang iniwang sugatan ng insidente na nagtamo ng 2nd degree burn.
Makalipas ang mahigit limang oras, idineklarang fire-out ang sunog.
Ang mga apektadong residente ay pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation centers sa lugar.
Ulat ni Earlo Bringas
=== end ===
Please follow and like us: