Trabaho sa city hall suspendido sa May 10
Sinuspinde ni Manila Mayor Isko Moreno ang trabaho sa city hall, isang araw pagkatapos ng halalan para bigyang daan ang canvassing ng mga boto.
Noong Mayo 6 ay nilagdaan ni Moreno ang Executive Order 46 na nagdedeklara ng suspensiyon ng trabaho sa city government bukas, Martes, May 10.
Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) Manila election unit kay Moreno na ideklara ang May 10 bilang isang non-working holiday para bigyang daan ang poll workers at Board of Canvassers na gawin ang mahahalagang post-election activities.
Sinabi ni Moreno na inaprubahan niya ang kahilingan ng Comelec lubhang mahalaga ang malaya at walang sagabal na pagtupad ng poll workers at board of canvassers sa kanilang gampanin.
Gayunman, ang mga manggagawa na ang trabaho ay may kaugnayan sa peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction and management at maging ang nasa health and sanitation, ay hindi saklaw ng work suspension order.