Trabaho sa ilang korte, suspendido dahil sa bagyo
Walang pasok sa ilang hukuman sa bansa dahil sa bagyong Florita.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, lahat ng korte sa Vigan City, Ilocos Sur ay suspendido ang pasok.
Suspendido rin ang trabaho sa Santiago City, Isabela RTC at MTCC, Cordon-Dinapigue MCTC, at Ramon-San Isidro, Isabela MCTC.
Gayundin, sa mga korte sa Lingayen Pangasinan Hall of Justice.
Epektibo naman ng ika-2 ng hapon ng Martes ay suspendido na rin ang pasok sa ilan pang korte sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Ang mga ito ay ang San Mateo, Rizal Hall of Justice at Montalban, Rizal Municipal Trial Court.
Gayundin, ang Regional Trial Court ng Binangonan, Rizal, MTC Angono, at MTC Cardona, Rizal.
Wala ring pasok sa RTC Dinalupihan, Bataan at MTC Dinalupihan-Hermosa, Bataan, at sa Hall of Justice.
Moira Encina