Trabaho sa Senado muling sinuspinde dahil sa mataas na kaso ng COVID-19
Muling sinuspinde ang trabaho sa Senado dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, umabot sa 88 ang mga empleyado ng Senado na bagong nagpositibo sa virus.
Bukod dito mahigit isandaang iba pa ang kasalukuyang nakaquarantine kabilang na ang kanilang mga staff at Senate secretariat.
Iminungkahi aniya ng Senate medical division na payagan munang makarekober ang mga empleyado dahil kulang ang kanilang manpower.
Gayunman papayagan ang pagsasagawa ng mga Committee hearings at mga bicameral conference sa January 24 babalik ang sesyon at trabaho sa Senado.
Meanne Corvera
Please follow and like us: