TRAIN Law, hindi dapat suspendihin- Dept. of Finance

Hindi pabor ang Department of Finance o DOF na suspendihin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.

Sa panayam ng programang Bantay Lansangan kay Atty. Paula Alvarez, Assistant Secretary at tagapagsalita ng Department of Finance, positibo ang nagiging epekto ng Train law dahil bumababa na ang antas ng kahirapan at bilang ng mga nagugutom sa bansa dahil nadagdagan ang take-home pay ng mga manggagawa matapos alisin ang income tax return.

Paliwanag ni Alvarez, nasa .4 (point 4) lang umano ang impact ng Train law sa inflation at kahit hindi ipataw ang excise tax sa Train, tataas pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sanhi naman ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market na hindi kayang kontrolin.

Sa kabila nito, may mga paraan nang ginagawa para makatulong sa pagbaba ng presyo sa world market  gaya ng pag-uusap ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC at Russia para sa pagtataas ng oil production at pag-iimport ng mga capital equipment ng mga kumpanya sa ilalim ng Build, Build, build program ng pamahalaan.

Nakasasalay din aniya sa Train law ang maraming proyekto ng pamahalaan gaya ng conditional cash transfer kasama na ang pagtataas ng sweldo ng mga empleyado.

“Kahit hindi mo ipataw yung excise tax sa TRAIN Law, tataas talaga yung presyo ng mga bilihin. Hindi mo pwedeng basta i-suspend yan kasi marami ang nakasalalay dyan. Unang-una, yung mga conditional cash transfer natin, yung mga gagawing libreng tuition fees, yung pagtataas ng sahod ng mga service personnel”.

 

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *