Train Law, paaamyendahan ng mga Senador

Bukas ang mga Senador na pa-amyendahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law para tuluyang tanggalin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sa panukala ni Gatchalian, nais nito na tanggalin na ang threshold sa kasalukuyang batas na kapag umakyat sa 80 dollars per barrel sa mga produktong petrolyo, suspeindido na ang implementasyon ng excise tax.

Sa halip, dapat automatic ang magiging suspensyon ng ng excise tax sakaling tumaas ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Aminado si Gatchalian na kahit umaabot pa lang sa 70 dollars kada bariles ang presyo ng langis gaya ng nangyari noong nakaraang taon. matindi na ang nagiging epekto nito sa inflation na pumalo pa sa 6.7 percent.

Iginiit naman ni Senador Aquilino Pimentel na hindi dapat ibase ng gobyerno sa makokolektang excise tax ang build build build program ng administrasyon.

Katwiran ng Senador, nagpapalit palit ang presyo ng mga produktong petrolyo depende sa demand at dikta ng pandaigdigang pamilihan.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *