Training and research development arm ng MARINA sa Bacolod City, pinasinayaan

MARINA inaugurated a research and training development arm in Bacolod City on May 24./DOTr/

Pinasinayaan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang isang training and research development arm nila sa Bacolod City, Negros Occidental.

Sinabi ng Department of Transportation, ang MARINA Training Institute (MarTI) na nasa Panaad Park, Brgy. Mansilingan ay binuksan noong May 24.

Ayon sa DOTr . . . “The MarTI’s operationalization aims to improve the capacity of MARINA and other partners to innovate and operate modern technologies, to spearhead programs to help the country tackle the changing trends in the maritime industry and to serve as a systematic educational and training system and facilities for all maritime professionals.”

Sinabi ni MARINA Administrator Vice Admiral Robert A .Empedrad, na ang MarTI ay “magsasagawa, magsusulong at tutugon” sa mga kaugnay na programa sa pagsasaliksik at pagpapaunlad ng maritima.

Aniya . . . “Ito ang pinakamahalaga. As far as I’m concerned, the most important aspect of the MARINA is the research and development, which can also be made into provision here in MarTI. MARINA personnel must be trained first to ensure their contribution to the country’s maritime industry. This the key to catapulting the country into an economic powerhouse.”

Ayon kay Empedrad . . . “Dapat unahin rin natin ang maritime industry development because we are an archipelagic nation. We have so many islands that are not connected. Ang pag-asa natin ay ang maritima.”

Inanunsiyo ng opisyal na ang MARINA ay nagsagawa rin ng dalawang libreng training courses, na may 69 na participants.

Ang kurso sa Intact Stability Training (Track 2) para sa MARINA personnel na mula sa MARINA Central at Regional Offices, ay isinagawa mula May 24 hanggang 26, habang ang Modified Basic Safety Training (MBST) for Crews of Ships 35 GT below course, ay isinagawa naman ng MARINA Regional Office VI.

Please follow and like us: