Training program inilunsad ng DOT para sa tourism workers na apektado ng oil spill

Uumpisahan ngayong Lunes, Abril 24 ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakaloob ng training at livelihood programs para sa mga kuwalipikadong tourism workers at community-based tourism organizations na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ang programa na ito ng DOT ay para magkakaroon ng alternatibong hanapbuhay ang mga nasabing manggagawa at grupo habang apektado pa ang kasalukuyan nilang trabaho ng oil spill.

Tuturuan ang tourism workers ng mga kasanayan sa agri-tourism at iba pang skills na may kaugnayan sa tourism offerings.

Kasama sa gagawing training ang urban farming, beadwork and lei making, kulinarya training, hilot training at basic hair cutting training.

Partikular na makatatanggap ng training ang tourism worker sa mga munisipalidad ng Gloria, Pinamalayan, Naujan, San Teodoro, Pola, Bulalacao, Mansalay, at Calapan City.


Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *