Transit passengers mula sa 153 mga bansa, ban sa Hong Kong airport
Inanunsiyo ng Hong Kong ang pagpapatupad nila ng ban sa transit passengers mula sa higit 150 mga bansa, habang pinaigting ng China ang kanilang mahigpit na anti-virus travel measures bago ang Winter Olympics.
Tulad ng mainland China, pinanatili ng Hong Kong ang ilan sa pinakamahigpit na virus measures gaya ng week-long quarantines, targeted lockdowns at mass testing.
Isinailalim ng Hong Kong sa kategorya ang mga teritoryo batay sa kung gaano kalawak ang COVID-19 infections, kung saan sa kasalukuyan ang 153 mga bansa ay classified bilang Group A, at ang mga pasaherong dumarating mula sa nabanggit na mga bansa ay kailangang dumaan sa 21 araw na quarantine.
Nguni’t ayon sa Hong Kong airport, sinuman na namalagi ng hindi bababa sa tatlong linggo sa alinman sa mga nasabing bansa ay pagbabawalan nang mag-transit simula bukas, Linggo.
Walong bansa na kasama sa Group A na kinabibilangan ng Australia, Canada, France, India, Philippines, Pakistan, Britain at United States ang “entirely ban” na sa pagpunta sa Hong Kong.
Ang siyudad ay nakikipaglaban ngayon sa isang “small outbreak” ng Omicron variant na nagsimula sa dumating na Cathay Pacific flight crew na lumabag sa quarantine rules.
Kaugnay nito ay nagpatupad ang Hong Kong ng mahigpit na social distancing rules, kabilang ang pagpapasara sa mga gym, at pagpapatigil sa restaurant dining paglampas ng ala-6:00 ng gabi, at sinabing maaaring maharap ang Cathay Pacific sa legal action.
Hindi pa malinaw kung ang transit ban ay makaaapekto sa Winter Olympics, dahil maraming mga atleta at opisyal ang inaasahang bibiyahe patungong China via Hong Kong sa mga darating na araw ng susunod na buwan, dahil sa opening ng Games.
Subali’t sa pahayag ng Hong Kong nitong Biyernes tungkol sa ban, ay walang binanggit na exemptions para sa Olympic delegates at hindi naman agad tumugon ang isang tagapagsalita nang hingan ng paglilinaw.