Transmission rates sa singil sa kuryente posibleng bumaba– ERC
Inilabas na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang inamyendahang Rules for Setting of Transmission Wheeling Rates (RTWR) matapos ang mga delay sa nakaraan
Ang RTWR ang mga patakaran na nagtatakda kung magkano ang puwedeng singilin sa mga electricity consumers ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang transmission wheeling rates naman ang direktang singil na binabayaran ng mga konsyumer sa power distributors para sa paggamit ng transmission facilities.
Sinabi ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na layon ng inamyendahang RTWR na ibalik ang balanseng regulasyon sa sektor ng transmission.
Kaugnay nito, sinabi ni Dimalante na base sa inisyal figures ay posibleng bumaba ang presyo ng transmission rates dahil sa rate resetting.
Pero nilinaw ng opisyal na hindi ibig sabihin ay sobra ang siningil ng NGCP sa transmission rates sa mga nakaraan.
Hindi rin aniya ito mangangahulugan na magkakaroon ng refund sa singil sa transmission rate pero ito ay kanilang pag-aaralan.
Isa sa mga pagbabago sa inamyendahang patakaran ay ang pag-alis ng over recoveries at double compensation.
Tiniyak ng opisyal na bukod sa proteksyon ng mga konsyumer laban sa mataas na singil sa kuryente ay mahihimok din ang energy investors dahil sa rate resetting.
Moira Encina