Transportation officials nakastigo sa pagdinig ng Senado sa Tanay tragedy
Nakastigo ang mga opisyal ng Department of Transportation sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa nangyaring malagim na trahedya sa Tanay Rizal na ikinamatay ng labing-apat na estudyante ng Best link College at driver ng bus.
Ayon kay Senadora Grace Poe, Chairman ng komite, malinaw na nagkaroon ng kapalpakan ang lahat ng ahensya na nangangasiwa sa pagbibigay ng permit kasama na ang eskwelahan na nagsagawa ng fieldtrip.
Sinabi ni Poe, lumilitaw sa pagdinig na hindi ipinatupad ng Department of Transportation and Communications ang batas sa speed limiter o paglalagay ng aparato para kontrolado ang takbo ng bus.
Kapos din sa kapasidad ang Land Transportation Office at LTFRB sa pagbibigay ng lisensya sa driver at mga bus companies dahilan kaya nakapananamantala ang mga ito.
May kasalanan rin ang Best Link College dahil hindi pinasamahan sa mga guro ang mga estudyante gayong labas sa Metro Manila ang kanilang isinagawang educational trip.
“Nakita natin na itong mga motor vehicle inspection system natin sa Pilipinas ay siyam lamang at sa buong NCR ay sa Laguna. So paano natin malalaman kung talagang maayos ang pagtakbo ng mga sasakyan. Nakita din natin na ang mismong mga paaralan ay wala talagang standard kung sino ang magbabantay sa mga estudyante. Yung Bestlink wala manlang teacher o school official na nandun sa bus, mga estudyante lang ang nandoon. Kaya lahat talaga mayroong kapabayaan sa aksidente na ito”. – Sen. Poe
Lumilitaw rin sa imbestigasyon na kapos sa equipment ang lto para
masuri ang kapasidad ng sasakyan.
Naungkat rin sa pagsusuri na ipinarehistro sa Subic ang Panda Bus Tours noon pang 2004 pero 1988 pa pala ito ginawa.
Pero bago mabigyan ng permit, dumadaan sila sa pagsusuri sa ilalim ng motor vehicle inspection system
“ At the moment me kakulangan po tayo dito dahil hindi nagpa function ng maayos yung ating mga equipment na ginagamit sa inspection kayanagre rely po tayo sa physical at visual inspection”. – LTO Usec Galvante
Ulat ni: Mean Corvera