Travel agencies, mas pinipili pa rin ng mga biyahero kaysa online booking; 27th PTAA Travel tour expo, isasagawa sa Feb. 7- 9
Ipinagmalaki ng Philippine Travel Agencies Association o PTAA na buhay na buhay pa rin at patuloy na lumalago ang industriya ng travel agencies sa kabila ng paglaganap ng online booking.
Sinabi ni PTAA President Ritchie Tuaño na ito ay dahil sa serbisyo na kayang ialok ng mga travel agencies na layun na mas maging maayos at masaya ang travel experience ng mga biyahero.
Ayon pa kay Tuaño, marami pa ring mga solo travelers na nagbu-book ng kanilang byahe sa pamamagitan ng isang travel agent kahit patok at mas madaling mag-book online.
Marami pa rin kasi aniya sa mga Pinoy travelers ang nais makatiyak na hindi masasayang at magagamit ng wasto ang kanilang pera kapag sila ay naglalakbay.
Kaugnay nito, magsasagawa ng tatlong araw na Travel Tour Expo sa February 7 hanggang 9 ang PTAA sa SMX convention center sa Pasay city na may temang More than Real.
Lalahukan ito ng mahigit 400 exhibitors at may 1,000 booths mula sa Travel Agency at Tourism enterprise industry.
Ilan sa mga iaalok ay diskwento na aabot hanggang 70 percent sa mga Cruise lines, Hotels, Theme parks at Airline fares.
Ulat ni Moira Encina