Travel ban sa India at mga kalapit bansa, pinalawig hanggang May 31; Oman at UAE isinama na rin
Nananatili ang Travel ban ng Pilipinas sa India at mga kalapit na bansang Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka at isinama na rin ang Oman at United Arab Emirates.
Epektibo ang Travel ban extension hanggang May 31, 2021.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang direktibang ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Health at Department of Foreign Affairs.
Matatandaang dalawang kaso ng Indian covid variant na nakapasok sa bansa ay nagmula sa mga OFW mula Oman at UAE.
Kahapon, inanunsyo naman ng DOH na umakyat na sa 12 ang kaso ng Indian variant sa bansa.
http://www.radyoagila.com/kaso-ng-indian-variant-sa-bansa-umakyat-na-sa-12/
Exempted naman sa Travel ban ang mga Pinoy na nagmula sa mga nasabing bansa pero sakop ng Repatriation program ng gobyerno.
Hindi rin kabilang sa Travel ban ang mga Filipino Transit passenger kung sila ay nanatili lamang sa mga paliparan ngunit kailangan pa rin silang sumunod sa Quarantine at testing protocol ng gobyerno.
Ang mga Foreign nationals naman na Visa holder o may Special Resident Retirees Visa ay kailangang kumuha ng Entry exemption document mula sa DFA o sa National Task Force against Covid-19 bago ang pagdating nila sa bansa.