Travel ban sa southern Africa, aalisin na ng US
Simula sa susunod na linggo ay aalisn na ng Estados Unidos ang ipinairal nitong travel ban sa ilang bansa sa South Africa, nang unang ma-detect ang Omicron variant ng Covid-19.
Matatandaan na ipinagbawal ng mga bansa sa buong mundo ang mga biyaheng galing sa southern Africa, matapos ma-detect sa South Africa ang Omicron variant na inireport naman nito sa World Health Organization (WHO) noong November 24.
Tinutulan ng WHO at United Nations ang travel bans, habang sinabi naman ng mga opisyal sa South Africa na sila pinarusahan sa pagiging transparent sa pagkakadiskubre sa bagong strain.
Ipinagtanggol naman ni White House assistant press secretary Kevin Munoz ang ipinatupad na ban.
Aniya . . . “The restrictions gave us time to understand Omicron and we know our existing vaccines work against Omicron, (especially) boosted.”
Aalisin na aniya ang ban sa December 31.
Ayon naman sa isang senior White House official . . . “During the travel pause President Biden reduced the time for pre-departure testing to one day opposed to three days. Travelers from these eight countries will be subject to these same strict protocols.”
Nitong Biyernes ay nakipag-usap si US Secretary of State Antony Blinken kay South African International Relations and Cooperation Minister Naledi Pandor tungkol sa nasabing anunsiyo.
Sa isang pahayag ay sinabi ni State Department spokesman Ned Price na . . . “The Secretary again thanked South Africa’s scientists and government for their transparency and expertise.” (AFP)