Travel restriction ng Pilipinas sa 10 bansa na may malalang kaso ng Covid-19, inalis na
Hindi na pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel testriction ng Pilipinas sa 10 bansa na may malalang kaso ng COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na simula sa September 6 araw ng Lunes ay puwede ng pumasok sa Pilipinas ang mga inbound international passenger na mula sa 10 bansa na naging subject ng travel restriction.
Ang 10 bansang ito ay kinabibilangan ng India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia.
Ayon kay Roque ang kailangan lamang ay sumunod sa entry protocol na ipinatutupad na kinabibilangan ng mandatory 14 day quarantine, pagsasailalim sa RT PCR swab testing.
Statement Presidential Spokesperson Harry Roque:
“Travel restrictions to 10 countries lifted starting September 6President Rodrigo Roa Duterte approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force (IATF) to lift the current travel restrictions in India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia and Indonesia starting September 6, 2021.International travelers coming from the abovementioned countries shall, however, comply with the appropriate entry, testing and quarantine protocols, depending on the country’s approved “listing.”
Vic Somintac